Lumabas din ang katotohanan! Libu-libong mga Chinese companies malapit ng mabangkarote

Share this & earn $10
Published at : November 08, 2021

Maaaring nasa bingit na ng isang financial crisis ang China dahil marami sa mga property developers ng bansa ang lubog umano sa utang. Binabantayan ng mga ekonomista ang China dahil sa isyu ng Evergrande, isa sa pinakamalaking property developer ng bansa na kasalukuyang nahihirapan umanong bayaran ang utang nito na nagkakahalaga ng mahigit sa $300 billion.

Ang Evergrande ay mayroong $42.5 million na interes na dapat nitong bayaran sa katapusan ng buwang ito bukod pa sa ilan pang mga deadline hinggil sa mga late payments ng nasabing kumpanya. Ngunit ngayon iniulat naman na ang iba pang mga Chinese property developers ang namomroblema dahil sa laki ng mga utang nito at maaari umanong magdulot ng pagbagsak ng real estate sector ng China.

Humigit-kumulang 30% ng ekonomiya ng China ang nakasalalay lamang sa real estate, ayon sa mga eksperto. Sinabi naman ni Craig Botham, isang chief China economist ng Pantheon Macroeconomics na maraming mga Chinese developer ang namimilegro base sa kasalukuyang balance sheets ng mga ito.

Sa katunayan, tiniyak ng mga property developers tulad ng Fantasia sa kanilang mga investors na wala silang liquidity issue. Ngunit sa kalaunan ay nabigo itong bayaran ang $206 million na utang noong nakaraang buwan, na nagpapatunay lamang na mayroong krisis sa loob ng China. Lumabas din ang katotohanan! Libu-libong mga Chinese companies malapit ng mabangkarote
Chinese companies bangkaroteEkonomiya ng China bumabagsakProperty sector naghihirap na